Saturday, September 24, 2016



“Matagal ko nang pangarap maging nurse. Kaya subsob ako sa pag-aaral at pag-review ng board exams. Punung-puno ako, at ang asawa kong si Rey, ng pag-asa. Buntis din kasi ako noon,” kwento
ni Elsie.

Construction worker ang asawa ni Elsie kaya gusto niyang matulungan ang kabiyak sa paghahanda para sa kinabukasan ng kanilang anak. Natapos ang board exams at confident si Elsie na makakapasa siya. Subalit inamin niya kay Rey na masama ang pakiramdam niya habang nag-e-exam.
 

“Dumugo na lang bigla ang ilong ko, at kumirot ng husto ang ulo ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nangyari ito. Dinala ako ni Rey sa clinic pero mali ang diagnosis nila. Hindi din nila malaman kung ano ang sakit ko. Nagpalipat-lipat kami ng ospital, pero unti-unti na akong nanghihina.”

Sa ospital na tinuluyan ni Elsie, isang masakit na katotohanan ang kanyang hinarap. Na-diagnose siya na may Stevens-Johnson Syndrome (SJS), isang malubha at kakaibang kundisyon sa balat. 
 

“Yung balat ko, punung-puno ng paltos. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay hindi ko maidilat ang mata ko. Nung una, sinisisi ni Rey yung duktor sa clinic na nag-inject sa akin. Pero nung nagpaliwanag yung duktor sa ospital, dun ko nalaman na reaksiyon sa penicillin ang naging kaso ko kaya lumitaw ang SJS. Kung hindi aagapan agad ang sakit ko, maaari kong ikamatay ito.”

Agad-agad nag-desisyon si Rey na ipagamot ang asawa. Ngunit sinugurado niya sa duktor na mapapangalagaan ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan ni Elsie. Ipinagdasal niya nang husto ang paggaling ng misis at ang buhay ng kanilang baby. 

“Nag-improve naman yung kalagayan ko, pati na rin yung kundisyon ng balat ko. Normal at malakas din ang heartbeat ng baby ko. Okay na sana ang lahat—pero hindi ko pa rin maidilat ang mata ko.”

Nakauwi na rin mula sa ospital si Elsie at nagpapagaling sa bahay. Pero dumating ang araw na hindi nila inaasahan. 

“Biglang nanlabo ng husto ang mata ko. Unti-unti, nawala ang paningin ko, hanggang sa tuluyan na itong nawala. Nagdilim ang mundo ko."

Dalawang beses akong nag-undergo ng corneal transplant pero hindi naging matagumpay. Walang nagawa ang duktor pati na rin albularyo.

Para akong sinakluban ng langit at lupa. Bulag na kasi ako. Hindi ko talaga ito matanggap. Masaklap ang mawalan ng paningin. Parang naglaho na rin ang lahat ng mga pangarap ko.”

Tuluy-tuloy ang buhay ng mag-asawa sa gitna ng malaking pagsubok na ito. Nanganak si Elsie at lalaki ang naging panganay niya, si Jeremiah. 

“Nagbukas rin ako ng maliit na tindahan. Kahit nabubuhay ako sa dilim ay pinipilit ko pa rin na maghanap-buhay para sa aking pamilya.”

Pero mayroon pang insidenteng naganap na hindi niya malilimutan. Nasunog ang bahay nila. 

“Nasa bahay ako at naiwan ng kasama ko ang apoy habang nagpapainit ng mantika. Lumiyab ito. Dahil sa wala akong makita, naamoy ko na lang na may nasusunog. Pinilit kong pumunta sa kusina at naramdaman ko na ang init-init. Sumigaw ako at humingi ng tulong. Hinanap ko si Jeremiah at hindi na ako makahinga dahil sa kapal ng usok. Mabuti at nakapunta ako sa kuwarto para kunin siya, at dali-dali na akong tumakbo palabas ng bahay.”


Halos mawalan siya ng pag-asa sa inaakalang ikamamatay ito ng kanyang anak. Sa awa ng Diyos ay nailigtas niya ang kanyang anak. Ngunit dahil sa insidenteng ito, nawalan ng kumpiyansa si Elsie sa sarili.


“Nagtangka akong magpakamatay. Nag-overdose ako ng gamot. Sinisi ko ang Diyos dahil sa aking pagkabulag. Pero naagapan ako ni Rey at itinakbo ako sa ospital.”

Sa gitna ng lahat ng ito, nandoon lamang si Rey sa kanyang tabi—inuunawan, inaasikaso, at minamahal si Elsie. At humingi siya sa asawa ng isang pangako—na hindi niya iiwan ang kanyang pamilya. 




Makalipas ang maraming taon, nabiyayaan pa ng isang anak ang mag-asawa. Nagbukas sila ng bukohan at nagbenta ng ulam. Lahat ng kanilang customer ay manghang-mangha dahil sa galing ni Elsie magbalat ng buko—kahit wala siyang nakikita. 
 
Meron siyang naging suki, si Tess, isang dealer sa PC. Nasaksihan niya ang husay sa pagtitinda, tiyaga, pag-asikaso at integridad ni Elsie kaya naisip niyang i-recruit ito. 
 
"Nalaman ko na maganda at de-kalidad ang mga produktong PC. Maganda rin ang kita mula sa pagbebenta ng mga ito. Kaya pinilit ko si Rey na mag-sign up bilang PC dealer at pumayag naman siya."
 
Si Elsie ang nagbebenta ng produkto at nagre-recruit ng bagong dealers. Kapag may bumili ng ulam, aalukan din niya ito ng PC products. Kaya sa dami ng benta at recruit, lumago ng lumago ang negosyong PC niya.
 
"Ginalingan ko ang pagbebenta ng PC products. Hindi ako nagpapa-overdue. Kumbaga sa grades ng estudyante, ayoko ng pula."
 
Inspirasyon si Elsie sa kanyang mga bagong recruit dahil pinapakita niya na kahit bulag siya, kaya pa rin niyang magkaroon ng isang maganda at masaganang hanapbuhay. 
 
Maraming pangarap ang natupad ng mag-asawa sa pagiging Ka-PC. Mula sa mga tricycle, nagkaroon sila ng owner-type jeep hanggang sa makabili sila ng bagong kotse. Nakapagpundar na rin sila ng walong bahay sa isang subdivision. Higit sa lahat, nakapagtapos na ng college ang kanilang dalawang anak. 
 
"Kahit bulag ako, gusto kong mamuhay ng normal. Na-challenge pa ako ng husto dahil gusto kong lumaki ang kita ko. Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ibinigay ng PC sa akin. Habambuhay ko itong tatanawing utang na loob." 
 
Marami na ring natulungan si Elsie na mga Ka-PC na magkaroon ng Great Life—ang katuparan ng mga pangarap na hinahangad ng bawat Ka-PC upang maipadama ang lubos na pagmamahal sa pamilya.
 
Ang mga recruits ni Elsie ay tuluy-tuloy rin ang pag-asenso dahil nabibigyan niya ito tamang gabay, motivation, at higit sa lahat, inspirasyon. Ipinapakita niya na kayang-kaya ng bawat isa magkaroon ng mas magandang buhay kung hindi susuko and to Never Ever, Never Ever Give Up.
 
"Kaya mga kapwa ko na Ka-PC, huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Ituluy-tuloy lang po natin ang ating nasimulan. Tunay nga na kung gusto mong umasenso sa buhay, hindi hadlang ang ano pa man—kahit na ito ay kapansanan. Tulad ko na isang bulag, hindi ito naging balakid sa akin. Sa halip, ito ang nag-push sa akin para pagsikapan kong abutin ang aking mga pangarap para sa pamilya ko.
 
Kaya sa lahat ng ating ginagawa, samahan natin ng pananalig sa Diyos, tiwala sa kumpanya na ating pinagtra-trabahuhan, at maraming sipag. Ito ay para sa katuparan ng mga pangarap natin sa ating pamilya," pagwawakas na hayag ni Elsie.”
 
Si Elsie ay tunay na ehemplo ng isang masipag, matiyaga, at determinadong Ka-PC. Simbolo rin siya ng pagmamahal sa pamilya at pananalig sa Diyos. Kaya naman hanggang ngayon, isa siya sa mga WOW dealers ng PC Imus branch.  
 
Sarado man ang kanyang mga mata, bukas naman ang kanyang puso at isipan sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanyang buong pamilya.


Click Here For More Stories

No comments:

Post a Comment